Announcements

2018-05-18
SPED For Person with Disability-Out of School Yout
Para sa kaalaman ng lahat: Sa may 21, 2018 ang pagbubukas ng Special Education para sa mga Person With Disability (PWD) (OSY) out of school youth. Target ng Summer Class na mabigyan ng pagaaral ang 15 na OSY PWD. Ito ay mga programa ng ating Mayor Jose "Boyong Boyong" Dizon upang palakasin ang sector ng PWD at maibigay sa kanila ang mga batayang serbisyo. Sulong PWD Sulong Guimba kong Mahal! #MSWDO Lina Corazon Garampil #Mayor's Office #PDAO


2018-05-18
Update Road Repair
Para sa kaalaman ng lahat: Update sa ginagawang kalsada Faigal Street clock triangle to danzalan: Ayon po sa contractor tatapusin nila hanggang lingo ang kalsada mula sa clock hanggang sa danzalan. Magiging passable na ito para sa mga light vehicles at aabutin pa ng 1 week bago padaanan (curing period) para naman sa mga iba pang sasakyan. Mandatory na nirerequire ng pamahalaang lokal na bantayan ng mga tauhan ng contractor ang site at kailangan may early warning upang hindi makapaminsala sa mga tao at sasakyan


2018-05-10
Road Under Repair
Pinagbibigay alam sa publiko Ang isinasagawang repair ng kalsada sa bungad ng San Roque. Ingat po mga kababayan at yun mga motorista San Roque to Poblacion or Poblacion to San Roque hinay hinay po sa pagmamaneho at hanap po ng alternatibong daan kung nagmamadali.


2018-05-10
Try out po today Arnis Guimba
Try out po today Arnis Guimba 9:00am to 5:00pm 6 years old to 40 yrs old pwede. 18 years old pataas ay may chance na makasali sa Luzon leg competition ng Philippine Selection kapag na train na ng husto. Umali Gym po ang venue Kita kits sa lahat ng gusto matuto ng Arnis. Ang Guimba Arnis team ay sinusuportahan ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng Youth and Sports Development program ni Mayor Jose "Boyong Boyong" Dizon. Kinikilala ng Municipality of Guimba ang lahat ng mga parangal at panalo ng team. Sulong kabataan Sulong Guimba


2018-04-16
MSWD Announcement
April 16, 2018 Conduct of Day Care Summer class


2018-04-16
Public Announcemnet: PESO
April 16, 2018, 1st batch summer job starting day till May 14


2018-04-06
Hello World
This is a beta test message -WedAdmin