Mapayapang pagdiriwang ng Undas.

Wala pong naitalang anumang hindi kanais nais. May mga ilang nahilo at nagpa BP sa ating medical team na nakatalaga sa mga sementeryo pribado man o pampubliko.

Masigasig at mahusay na pagbabantay ang isinagawa ng ating kapulisan. Salamat po.

Mahusay na naisagawa ang pagbabantay sa ating lansangan. Salamat po sa mga Punong Barangay na nagtalaga ng kanilang mga bantay bayan, mga volunteers na handang tumulong sa lahat ng pagkakataon at sa mga enforcers na hindi umaalis sa kanilang pwesto.

Sa ating BFP na naka monitor at nagtalaga ng mga tauhan.

Sa mga mamamayan na nakikiisa at bukas sa loob na kooperasyon. Maraming salamat po sa inyong lahat.

Sulong Guimba Kong Mahal